Entry: bagyo Sep 19, 2005



pansin nyo ba na kapag bumabagyo, pag sobrang malakas ang ulan at bumabaha na sa kalye, trafik sa edsa at sa lahat ng kalsadang pwedeng daanan ng sasakyan, inanawns na walang pasok elementary at hayskul at pati na kolehiyo, eh may pasok pa din ang mga empleyado? hay naku parang ok lang na mabasa sa ulan at mahulog sa mga open manholes ang mga taong nagttrabaho! ok lang mamatay sa sakit ang matatanda na! eh tayo nga nagaambag ng malaking tax sa gobyerno tapos ok lang na mamatay tayo? dapat inaalagan nila tayo dba?! walang kwenta ang hazard pay kumpara sa ibabayad mo sa ospital at gamot no..

sensya na, nakakainggit lang kse sobra un mga estudyanteng natutulog sa bahay habang umuulan.. o kaya nanonood lang ng tv buong maghapon.. wala pang mga problema sa buhay.. wala pang tax na iniisip, wala pang responsibilidad na hinaharap, wala pang mga manholes na kelangang iwasan kapag bumabagyo..

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments