sarap ng mahabang bakasyon no? sobrang sarap na pagkatapos parang nde talaga nangyari kse pagbalik mo sa trabaho parang walang nangyari. bitin! hehe oh well mas ok na din makapagpahinga sandali kesa wala talagang pahinga diba?
heniwey, nagpunta kme sa pundakit zambales last week.. ganda!! (kelangan katono nun komersyal ni toni gonzaga sa palmolive! hehe) merong mala-surivor na isla sa tapat ng resort, mejo white sand na din at maraming malalaking bato. ang sarap mag.. swimming! haha
kso may panira dun sa trip namin. pumunta kse kami sa palengke para bumili ng pagkain, uling, at yelo. mura naman ang mga bilihin in fairness pero! hulaan nyo kung magkano un isang maliit na bloke ng yelo? hulaan nyo! P100!!! p*&#^*$! nde pa nga kme nag-oo na bibili kme tinitibag na ng icepick nun mama un ice. eh di no choice na kse baka saksakin kme ng ice pick! hahaha (nakakatawa ngayon pero katakot nun nandun kme) tinanong ni rocky kung wala daw bang bawas un presyo, sabi ng mama libre na daw un sako! akalain mo un? nalibre pa kme ng sako! eh bobo pala sya pano naman namin bibitbitin un tinbag nyang yelo kung walang sako?? tpos halatang naisahan kme kasi nagtatawanan un mga kalaro nya ng tongits! p&*#@ta talaga.
kaya pag pupunta kayo sa zambales, tandaan maganda nga ang beach pero ginto ang yelo.